Magbihis ka, may bisita tayo.

(12 January 2015)

'Di naman ako nagkulang sa bilin. Nung bata pa ako, narinig ko na halos lahat. At hindi lang galing kela Ma at Pa. Maski sila Tito, Tita, Lolo, Lola, at maging mga great-grandparents ko (noong kasama pa namin sila) meron ding mga pabaon sa'kin.

Gaya nito:

Umuwi ng maaga, apok, ha?  
'Wag mo kalimutan lunchbox mo.
Mag-aral ng mabuti!
Mag-text ka kung pauwi ka na.
Hoy, 'wag mong ilalabas cellphone mo pag nasa MRT ka!
Magbihis ka, may bisita tayo...

Aaminin ko, medyo weird 'yung huli. 'Di ko na nga rin nasusunod 'yan e. Kung magbibihis man ako, siguro shorts lang. Pero wala masyadong effort sa idadamit ko kung merong dadalaw sa'min. Una sa lahat, bahay naman namin 'yun. In basketball terms, home-court advantage kami. Kung may kailangang magbihis ng maayos, 'yung bisita dapat. Saka expected na rin naman nilang at-home na at-home kami sa lugar namin. Kasi nga amin 'yun. Pero siyempre, ayaw din naman nating magmukhang hoodlum sa mga bisita natin. Nakakahiya sa kanila e. Baka kung ano sabihin nila, 'di ba. Kaya nag-aayos tayo ng mga sarili natin, para presko at presentable tayong tignan. Daig pa natin ang bagong-ligong baby na pinulbusan at pinahiran ng Johnson's sa pagka-presko.


Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging maasikaso sa mga bisita natin. Take note, sarili pa lang natin ang pinag-uusapan. 'Di pa kasali 'yung paghahanda ng makakain, paglilinis ng bahay, pagmamadaling magtimpla ng kape o sumugod sa pinaka-malapit na sari-sari store para bumili ng softdrinks na maiinom. Parte rin 'yun ng pag-asikaso sa bisita. Sa lahat ng ating ginagawa, sila ang unang-una nating iniisip. Hindi ang sarili natin. 'Yan ang marka ng tunay na hospitality.

Yet ironically, parang tayo rin ang nakikinabang sa huli. We end up helping ourselves by helping our guests. Sure, hindi ideal na kung kailan lang meron bisita e doon lang tayo nagpapakabait, but it's a good start. Ang hamon sa'tin ngayon, i-maintain 'yun kahit nakaalis na ang mga bisita natin. Kasi para rin naman 'yun sa ikabubuti natin. Sino ba naman ang di matutuwa sa malinis na pamamahay at malinis na pamumuhay? Sa pagiging masipag sa mga gawaing-bahay at pagiging alisto sa pangangailangan ng iba?

Unless pakitang-tao lang lahat ng 'yun? Naku. 'Wag naman sana.

Sa Thursday, may bisita tayo. Kilala niyo na siguro kung sino. Puspusan ang paghahanda para sa pagdating niya, at abala ang lahat para masiguradong ligtas at masaya ang ating bisita habang kasama natin siya. Wala nga munang "separation of Church and State" e. Medyo kakaiba kasi ang bisita natin. 'Di lang siya lider ng Simbahan, siya rin ang pinuno ng kanyang Estado. Kaya bati-bati muna lahat. Saka na muna 'yung away-away, ang mahalaga sa ngayon maging successful ang Apostolic/State Visit. Kung pwede nga sanang laging ganito e, nagkakasundo lahat.

Unless pakitang-tao lang lahat ng 'yun? Naku. 'Wag naman sana.

Kaya ko naalala 'yung bilin sa'kin na magbihis 'pag may bisita kasi napadaan ako ng Baclaran ngayon. Ganda ng timing ng pagpunta ko doon, nasaktuhan ko yung dry run ng pagdating ng bisita natin at 'yung pagbagtas niya ng Roxas Boulevard galing Villamor Air Base papunta sa kanyang tutuluyan sa Taft Avenue. Nakahilera yung mga pulis sa isang lane para mabakante 'yung daraanan ng convoy, tapos 'yung mga traffic enforcer naka-standby sa ilalim ng tulay kung sakaling magka-problema. Pinapanood ko silang lahat habang naglalakad papuntang Baclaran Church, tahimik na nagmamasid habang hinahakbang ang malawak at malinis na kalsada...

Bigla akong napaisip sa kalagitnaan ng paglalakad ko: Oo nga, no. Parang ang lawak at linis ng Baclaran ngayon?

Na-picture-an ko pa. Eto 'yung sa may bandang tapat ng Max's, malapit sa dating rotonda. 'Yung mahirap daanan kasi nagsisiksikan 'yung mga tindero't tindera at sinasabayan pa ng mga nagdadaanang motor at pedicab. Eto na siya ngayon:


Totoo. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Wala 'yung mga nagtitinda ng damit, sapatos, CD, DVD, fishball, kwek-kwek, lahat. 'Di rin problema para sa mga motor at pedicab na dumaan doon, napakaluwag pa. Ewan ko lang, baka kasi 'di pa Wednesday kaya wala masyadong tao. Pero kahit na. Ngayon ko lang nakitang ganito kalinis ang Baclaran.

Pahirapan pa nga dati e. Noong 2011, nagkaroon ng signature campaign para ilapit sa pamahalaang lokal ng Parañaque ang isyu ng kalinisan sa Baclaran. Sobrang dami na nilang mga vendors doon, reklamo nila. Naging maingay at madumi na doon kaya nawawala ang essence ng kabanalan. Mahigit 100,000 ang pumirma sa petisyon. Umabot pa nga sa puntong isasara sa publiko ang Baclaran Church ng mga Redemptorists (ang religious order na nangangasiwa sa simbahan) para lang magpaabot ng mensahe sa mga kinauukulan.

Anong nangyari? 'Di ko na alam. 'Yung huling update ng Facebook page nila, nung 2011 lang din. "We are hopeful but we need to be vigilant," sabi sa status message. Pero nung huling punta ko bago ngayon  January 3, kaka-New Year lang  parang wala namang nagbago. Ayun, same old. Tapos tignan mo ngayon, halos 'di mo na mamukhaan 'yung lugar. Para ba lahat 'to sa bisita natin? Buti naman kung ganoon. Pero paano pag-alis niya, magiging back-to-normal ba ang kalakaran doon o mapapanatili ba nilang ganoon kaayos?

Unless pakitang-tao lang lahat ng 'yun? Naku. 'Wag naman sana.

Abangan na lang natin kung anong mangyayari doon. But for now, let the bare pavement of Baclaran serve as an important reminder to all of us before our visitor arrives: to not lose sight of what our priorities are, and at the same time never forgetting why we prioritize them in the first place. Sometimes we find ourselves doing all the right things for all the wrong reasons, such as saving face, making impressions or keeping appearances. We focus on what others might say when the focus should be on ourselves and what we're doing. We worry too much about criticisms  constructive or otherwise  when, in reality, any effort we exert (or lack thereof) will show through regardless. If this is the case with us, then something must seriously change. Because the moment we rely on others' words and not our own works, we fail to be true to ourselves.

Kaya dali, magbihis na tayo. And while we're at it, maligo na rin kaya tayo. May bisita tayo. Parating na.

Comments

Popular posts from this blog

"Saranggola sa Ulan".

Disconnection notice. (Turn off the lights now.)

Mommy.