Posts

Showing posts from January, 2015

Magbihis ka, may bisita tayo.

Image
(12 January 2015) 'Di naman ako nagkulang sa bilin. Nung bata pa ako, narinig ko na halos lahat. At hindi lang galing kela Ma at Pa. Maski sila Tito, Tita, Lolo, Lola, at maging mga great-grandparents ko (noong kasama pa namin sila) meron ding mga pabaon sa'kin. Gaya nito: Umuwi ng maaga, apok, ha?   'Wag mo kalimutan lunchbox mo. Mag-aral ng mabuti! Mag-text ka kung pauwi ka na. Hoy, 'wag mong ilalabas cellphone mo pag nasa MRT ka! Magbihis ka, may bisita tayo... Aaminin ko, medyo weird 'yung huli. 'Di ko na nga rin nasusunod 'yan e. Kung magbibihis man ako, siguro shorts lang. Pero wala masyadong effort sa idadamit ko kung merong dadalaw sa'min. Una sa lahat, bahay naman namin 'yun. In basketball terms, home-court advantage kami. Kung may kailangang magbihis ng maayos, 'yung bisita dapat. Saka expected na rin naman nilang at-home na at-home kami sa lugar namin. Kasi nga amin 'yun. Pero siyempre, ayaw din naman nating magmukhan